Arestado ng Parang Municipal Police ang isang suspek matapos ikasa ng mga ito sa pangunguna ng kanilang COP na si PLTCol. Erwin Tabora ang buybust operations laban dito.

Kinilala ang suspek sa pangalang Capillo Calebrar, 30 anyos at kasal, residente ng nasabing bayan ng Parang. Nahuli sa pamamagitan ng tinatawag na Barangay Intelligence Network Personnel ang suspek, batay sa sumbong kay Tabora ng mga ito.

Nakuha sa pagiingat nito ang dalawang (2) pakete ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng P500.00. Kasalukuyang nasa kustodiya ngayon ng Parang MPS ang suspek at mahaharap ito sa kasong paglabag sa RA 9165.