Bahagyang bumagal sa 6.4% ang inflation rate o ang bilis o bagal ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa noong Hunyo ng kasalukuyang taon.
Sa isang press briefing ngayong Martes, Hulyo 7, iniulat ni PSA chief USec. Claire Dennis Mapa na ang inflation noong Hunyo ay mas mababa kumpara sa 6.8% na naiatala noong Mayo 2026.
Pangunahing dahilan ng pagbaba ng inflation ay ang pagbaba ng presyo sa sektor ng transportasyon dahil sa sunud-sunod na rollback sa presyo ng petrolyo kasabay ng paghupa ng tensiyon sa Gitnang Silngan.
Gayundin, nakatulong ng malaki sa pagbaba ng inflation ang mas mabagal na pagtaas ng pesyo ng ilang pagkain.
Pasok naman ang naitalang inflation noong Hunyo sa target range ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na 6.0% hanggang 7.0%.
Dahil sa tala ngayong buwan, ang year-to-date average inflation ng bansa mula Enero hanggang Hunyo 2026 ay nasa 4.8%.

















