Patuloy na nakaaapekto ang localized thunderstorms sa buong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), ayon sa pinakahuling weather outlook ng PAGASA.

Dahil dito, inaasahan ang bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkidlat, at pagkulog sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon.

Nagbabala rin ang state weather bureau sa posibilidad ng biglaang pagbaha at pagguho ng lupa, lalo na sa mga lugar na makakaranas ng malalakas na buhos ng ulan na may kasamang thunderstorms.

Dahil dito, pinapayuhan ng PAGASA ang publiko na manatiling alerto, mag-ingat sa mga lugar na madaling bahain at tabing-bundok, at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na weather advisories at babala na inilalabas ng mga awtoridad.