Pormal na pinangunahan ni Police Brigadier General Christopher M. Abecia, Regional Director ng Police Regional Office–Bangsamoro Autonomous Region (PRO BAR), ang sabayang Oath-Taking, Donning, at Pinning of Ranks Ceremony ng mga bagong na-promoteng pulis ngayong Miyerkules July 29 sa PRO BAR Grandstand sa Camp BGen Salipada K. Pendatun, Parang, Maguindanao del Norte.
Kabilang sa mga ginawaran ng promosyon ang mga uniformed personnel mula sa ranggong Police Corporal (PCpl) hanggang Police Major (PMAJ).
Sa naturang seremonya, pormal ding nanumpa sa tungkulin ang mga bagong na-promoteng pulis bilang pagpapatibay ng kanilang pangako na isabuhay ang mga pangunahing pagpapahalaga ng Philippine National Police na serbisyo, dangal, at katarungan.
Binigyang-diin din na ang bawat promosyon ay kaakibat ng mas malaking pananagutan, disiplina, at dedikasyon sa pagbibigay ng propesyonal, maagap, at makataong serbisyo sa publiko.
Ayon sa PRO BAR, layunin ng naturang aktibidad na higit pang palakasin ang hanay ng kapulisan upang patuloy na maitaguyod ang kapayapaan, kaayusan, at de-kalidad na serbisyong pampubliko sa buong Bangsamoro Region.

















