Pinahigpit ng COMELEC, Armed Forces of the Philippines o AFP at Philippine National Police o PNP ang paghahanda sa seguridad para sa BARMM Parliamentary Elections o BPE 2026 na nakatakda sa Setyembre 14.

Isinagawa nitong Agosto 24 sa Maguindanao del Sur ang ikalawang Provincial Joint Security Control Center Coordinating Conference, na dinaluhan ng COMELEC, militar, pulisya at iba pang government stakeholders.

Tinalakay sa pagpupulong ang mga security updates, election preparedness at coordinated operational plans para matugunan ang posibleng banta at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa panahon ng halalan.

Pinangunahan ito ni Maguindanao del Sur Provincial Election Director Atty. Allan C. Kadon, kasama si 6ID Acting Commander at JTF Central Commander Brig. Gen. Ricky P. Bunayog, 601st I.

Dumalo rin si Maguindanao del Sur Police Provincial Office Director Police Col. Michael John C. Mangahis at iba pang miyembro ng PJSCC Coordinating Team.

Ayon kay Bunayog, buong suporta ang 6ID sa COMELEC at PNP para sa ligtas, mapayapa at maayos na halalan, habang hinimok ang publiko na agad ireport ang anumang kahina-hinalang aktibidad.

Nanawagan naman si Kadon ng tuloy-tuloy na koordinasyon at komunikasyon ng mga ahensya upang mabilis na matugunan ang anumang insidenteng maaaring mangyari sa panahon ng halalan.