Umabot sa 50 land titles ang ipinamahagi ng Department of Environment and Natural Resources o DENR Region 12 sa mga kwalipikadong benepisyaryo sa Sultan Kudarat kahapon Setyembre 29 at 28.

Isinagawa ang distribusyon sa ilalim ng Handog Titulo Program, kung saan 23 titulo ang ipinamahagi sa mga benepisyaryo mula sa Isulan, Esperanza, President Quirino at Lutayan, na sumasaklaw sa mahigit 10 ektarya ng lupa.

Samantala, dalawang special patents para sa mga multi-purpose building ang ipinagkaloob sa lokal na pamahalaan ng Kalamansig.

Ipinamahagi rin ang natitirang 25 titulo sa Lebak, Palimbang at Kalamansig, na sumasaklaw sa mahigit 20 ektarya.

Ayon sa DENR, layunin ng Handog Titulo Program na mapabilis ang pagbibigay ng land patents sa mga kwalipikadong land occupants upang matiyak ang kanilang seguridad sa pagmamay-ari ng lupa at makatulong sa socio-economic development.