Arestado ang ikaapat na most wanted person ng Police Regional Office 12 matapos makuhanan ng isang hand grenade at hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit P710,000 sa operasyon sa Barangay Salaman, Lebak, Sultan Kudarat.

Kinilala ang suspek sa alyas na “Nars” na inaresto bandang alas-4:10 ng madaling araw noong Nobyembre 8, 2026, sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng dalawang bilang ng kasong murder na walang inirekomendang piyansa.

Narekober mula sa kaniyang pag-iingat ang isang hand grenade at tinatayang 104.55 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P710,940, kasama ang ilang drug paraphernalia.

Nasakote rin sa naturang operasyon ang isa pang indibidwal na alyas “Shed” matapos umanong mahuling gumagamit ng hinihinalang ilegal na droga.