Sinimulan na ni MP Atty. Naguib G. Sinarimbo ang kaniyang tungkulin bilang bagong pinuno ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education o MBHTE nitong Nobyembre 9, 2026.

Sa unang araw ng kaniyang panunungkulan, nakipagpulong si Sinarimbo sa mga opisyal at kawani ng ministeryo upang simulan ang pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang tanggapan at yunit nito.

Kabilang sa mga pangunahing tututukan ng ministeryo ang pagpapatuloy ng mga umiiral na programa sa edukasyon, pagpapalakas ng serbisyo at pagtugon sa pangangailangan ng mga mag-aaral at guro sa rehiyong Bangsamoro.

Sa ilalim ng bagong pamunuan, inaasahang ipagpapatuloy ng MBHTE ang mga hakbang para maisulong ang abot-kaya, inklusibo at dekalidad na edukasyon sa rehiyon.