Puspusan na ang paghahanda ng MILF o ng Moro Islamic Liberation Front sa isasagawa nitong Consultative Meeting and General Assembly bukas, araw ng Lunes sa Camp Darapanan, Sultan Kudarat Maguindanao Norte.

Sa pangunguna ni MILF Chair Ahod Ebrahim at mga katuwang na line agencies nito, nagpatawag ng meeting si Ebrahim upang maisaayos ang pagsasagawa at maging matiwasay ang naturang asembliya.

Inaasahan kasi na nasa mahigit 300,000 na mga miyembro at mga tagasunod ng kilusan ang dadalo sa aktibidad.

Ang UBJP o ang United Bangsamoro Justice Party ay ang political wing ng Moro Islamic Liberation Front o MILF na siyang Government of the Day ng pamahalaang Bangsamoro.