Natagpuan ng pulisya ang dalawang truck na naglalaman ng smuggled yosi na inabandona sa Barangay Sarmiento, Parang sa Maguindanao Norte.

Nasamsam ang mga kontrabando matapos na maiulat ng isang concerned citizen ang iligal na transaksyon ng mga smuggled cigarettes sa nasabing area.

Pagdating sa lugar, tumambad na sa mga operatiba ang dalawang wing van na kulay pula at kulay green na parehas na naglalaman ng mga puslit na yosi na 490 na kahon ng ibat ibang uri o brand na nagkakahalaga ng 18.1 million pesos.

Matapos na siyasatin, dinala ang mga nakuhang yosi sa Parang MPS para sa kaukulang disposisyon at dokumentasyon.