Inilipat ng COMELEC SGA BARMM ang filing ng Certificate of Candidacy para sa lima sa walong munisipyo sa ilalim ng nabanggit na SGA sa darating na Oktubre 1-8.

Ito ay inilipat sa Shariff Kabunsuan Cultural Center sa loob ng BARMM Government Center sa lungsod ng Cotabato. Ayon kay SGA BARMM Election Supervisor Atty. Norpaisa Manduyog, ang mga munisipyo na malilipat ang lugar ng filing ay ang Kadayangan, Nabalawag, Malidegao, Tugunan at Ligawasan.

Tatlong munisipyo naman na natira na Old Kaabakan, Kapalawan at Pahamudin ay mananatili sa kanilang mga election offices ang lugar ng pagfifile ng COC.

Ang paglilipat ay inihiling ng limang Election Officers ng mga nabanggit na munisipyo dahil sa usapin ng seguridad at malawak na espasyo na pagdarausan ng paghahain ng kandidatura ng mga kandidato.