Inihayag sa mga miyembro ng midya ni Member of Parliament Atty. Sittie Fahanie Oyod ang hindi na nito pagsabak sa halalang lokal.

Posible aniy na sumabak siya sa mas mataas na posisyon sa darating na Mayo 12, 2025, araw ng halalan.

Ayon sa mambabatas, nagkasundo ang buong pamilya nito na ilan sa kanilang angkan muna ang sasabak para sa unang Regional Parliamentary Elections sa rehiyon, dahilan upang tanggapin niya ang desisyon.

Lalahok naman sa eleksyong nasyonal sa pamamagitan ng isang partylist ang mambabatas kung saan sya ang unang nominado at hinihintay na lamang nila ang akreditasyon nito mula sa komisyon.

Kung papalarin, isusulong ni MP Oyod sa kongreso ang karapatan ng mga indibidwal na may kapansanan o mga PWD’s.