Naging sanhi ng matinding daloy ng trapik ang pagkatumba ng isang poste ng kuryente sa kahabaan ng national highway sa Sitio Sarakan, Bugasan, Matanog sa Maguindanao del Norte.
Agad naman itong inayos ng Maguindanao Electric Cooperative o MAGELCO ng tinawagan sila ng Matanog LGU.
Sa naging FB post ni Matanog Mayor Zohria Basil Guro, pinasalamatan naman nito ang mga tumulong upang maibalik agad sa ayos ang nasabing poste ng MAGELCO na natumba dahil sa lakas ng ulan at hangin.