Nilinaw ng isang kapitan sa bayan ng Tugunan sa SGA BARMM na hindi sangkot sa kaguluhan ng dalawang magkaridong grupo ang kanyang Barangay taliwas sa mga naunang ulat.
Ayon kay Barangay Bualan Chairman Datu Omar Piang, mga katabing baryo lang nito ang sangkot sa girian at ang kanyang barangay ang sentro para sa mga bakwit.
Welcome naman aniya ang lahat ng mga bakwit kahit saang lugar sa kanyang barangay sabay apela nito na magusap na lang sana at itigil na ang anumang di pagkakaunawaan sapagkat sa huli, taong bayan din ang natatalo rito.
Ang pahayag ni Kapitan Piang ay kasabay din ng pamamahagi ng tanggapan ni MP Abdullah Biston Hashim ng bigas sa mga bakwit na kinupkop ng Barangay Bualan.