Naghihintay ng case progress dahil wala pa ring klarong resulta.
Ito aniya ang sinabi ni Bangsamoro Human Rights Commissioner Archie Buaya patungkol sa itinatakbo ng imbestigasyon ng kapulisan sa pamamaril sa kanyang pamamahay sa bayan ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte, Oktubre 10 ng gabi na ikinamatay ng aide nito na si John Debang.
Ipinauubaya na aniya daw ng opisyal sa mga otoridad ang masusing imbestigasyon sa pagtukoy kung sino at kung anong motibo mayroon ang namaril.
Nanawagan din si Buaya sa mga ito na magkaroon sana ng mga klaro na interbensyon sa pagbibigay seguridad sa mga mamamayan. Una nang napaulat na kakasuhan ng DOS PNP ang anim nitong persons of interest na natukoy dahil na rin sa tulong ng mga nakasaksi sa insidente.