Patay sa pananambang ang isang guro na nagtatrabaho sa Noorul Elim Academy Foundation ngayong Miyerkules, Disyembre 18.

Kinilala ang guro na si Yasser Abdullah Mama na residente ng Tugunan sa Special Geographic Area ng Bangsamoro Region o SGA-BARMM.

Nasa gate na ito ng kanilang paaralan upang pumasok sa klase nito ng barilin ito sa ulo ng mga di pa kilalang hitman na naging sanhi ng pagkamatay nito.

Nakapanlulumo lamang na isiping na kapapasa lamang ni Yasser sa LET nito lamang at nagtatrabaho din ito bilang Barangay Treasurer sa kanilang baryo.

LET Result

Iniimbestigahan naman ngayon ng kapulisan ang pangyayari na kumitil sa buhay ng naturang guro.

Kung maalala, dalawang estudyante din ng naturang paaralan ang pinaslang at napatay ng mga di pa rin nakikilalang suspek.