Pormal nang idineklarang nasa Stable Internal Peace and Security o SIPS Condition ang lalawigan ng Sulu noong Setyembre 24, 2026.
Pinangunahan ang seremonya na dinaluhan ni Department of National Defense Secretary Gilberto C. Teodoro Jr., kasama sina Sulu Governor Toto Tan II at Vice Governor Abdusakur M. Tan.
Kabilang sa mga isinagawa ang pormal na deklarasyon ng SIPS, paglagda sa Memorandum of Agreement o MOA, mga mensahe mula sa national at local leaders, at pagpapakita ng mga nakumpiskang armas.
Nagkaroon din ng symbolic release of doves at pledge of commitment mula sa mga stakeholders.
Ayon sa mga organizer, ang deklarasyon ay bunga ng pagtutulungan ng Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, local government units, Ulama at mga residente ng Sulu sa pagpapanatili ng kapayapaan at pagbubukas ng oportunidad para sa development.
















