Kung noong isang araw, Special Licensure Exams for Social Work ang may NO ONE PASSED at NOTHING FOLLOWS na mga resulta, naulit na naman ito sa ikalawang pagkakataon at sa isa ring special Licensure Examination Results at ito ay para naman sa mga X-Ray Technologists.

Ginawa ang naturang eksaminasyon noong nakaraang buwan ng Hunyo 16 at 17 at lumabas ang resulta ngayong kahapon, Hulyo 9.

Nilinaw naman ng PRC o ng Professional Regulations Commission na ang SPECIAL PROFESSIONAL LICENSURE EXAMS na kanilang isinasagawa ay para sa mga examinees o sa mga takers na may extraordinaryo o kakaibang situwasyon gaya ng mga nagtrabaho abroad bilang OFW at sa iba pang mga kadahilanan.