Epektibo kaninang alas-6 ng umaga, ipinatupad ng mga kumpanya ng langis ang magkakaibang galaw sa presyo ng kanilang mga produkto.
Bahagyang tumaas ng ₱0.10 kada litro ang presyo ng gasolina, habang bumaba naman ng ₱0.20 kada litro ang presyo ng diesel. Samantala, mas malaking bawas-presyo ang naitala sa kerosene na nagkaroon ng ₱0.40 rollback kada litro.
Ayon sa Department of Energy (DOE), ilan sa mga salik sa naturang pagbabago ay ang hindi inaasahang pagtaas ng demand sa langis, na hindi napaghandaan ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC), at ang pagluwag ng tensyon na may kinalaman sa mga isyung may kaugnayan sa taripa.