Nagbalik na sa kanilang mga regional offices ang mga pulis mula sa Police Regional Office 12 at Police Regional Office 13 matapos ang kanilang deployment sa Maguindanao del Norte para sa 2026 Bangsamoro Parliamentary Election.

Nagsagawa ng send-off ceremony para sa mga augmented personnel bilang hudyat ng kanilang pagbabalik sa kani-kanilang Police Regional Offices matapos ang kanilang election duties.

Nagpaabot naman ng pasasalamat si Parang Municipal Police Station Chief of Police PMAJ Albert M. Carbungco sa mga pulis na ipinadala mula PRO 12 at PRO 13.

Kinilala ni Carbungco ang naging serbisyo at pakikiisa ng mga ito sa pagpapanatili ng seguridad at kaayusan sa panahon ng halalan.

Matapos ang kanilang deployment, nakatakda nang bumalik ang mga augmented personnel sa kani-kanilang regional offices.