Nagtulungan ang mga residente sa Sarangani sa paglipat ng mga relief goods mula sa helicopter patungo sa mga komunidad na naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol noong Hunyo 2026.
Isa-isang ipinasa ng mga residente ang mga food packs at iba pang relief goods matapos itong ihatid ng 205th Tactical Helicopter Wing ng Philippine Air Force sa mga lugar na mahirap maabot sa pamamagitan ng lupa.
Isinagawa ang operasyon sa pakikipag-ugnayan sa Office of Civil Defense Region XII, Department of Social Welfare and Development Field Office XII, at mga lokal na pamahalaan.
Patuloy naman ang relief operations ng Philippine Air Force sa mga komunidad na nangangailangan ng tulong matapos ang lindol.
















