Nasa 57 na ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa trahedya ng MV Trisha Kerstin 3 matapos ma-recover ng Philippine Coast Guard (PCG) technical divers ang tatlo pang bangkay nitong Linggo, Pebrero 15, 2026.

Natagpuan ang mga labi sa isinasagawang underwater operations sa karagatan malapit sa Baluk-Baluk Island. Ayon sa pinakahuling datos na kinolekta ng PCG katuwang ang PNP-SOCO at CDRRMO, umabot na sa 57 ang narekober na katawan, 293 ang nakaligtas, habang 22 naman ang tinatayang nawawala.

Binigyang-diin ng PCG na ang mga numerong ito ay dumaan sa masusing validation kasama ang iba pang ahensya at ang mga apektadong pamilya. Patuloy ang koordinasyon ng mga otoridad para sa search and retrieval operations upang mahanap at makumpirma ang pagkakakilanlan ng mga natitira pang nawawala.