Kalungkutan sa gitna ng dapat sana ay kasiyahan. Ito ang nararamdaman ng biyuda ng isa sa dalawang sundalo na si Cpl. Orland James Diamel na napatay sa ambush na naganap sa Sumisip, Basilan kamakalawa ng hapon.

Si Cpl. Diamel na tubong Kalawit, Zamboanga del Norte ay may isang pitong buwang gulang anak sa asawa nito. Magdiriwang sana ang mag-asawang Diamel ng kanilang unang anibersaryo ng pag-iisang dibdib kahapon ng dumating sa kanila ang trahedya ng kanilang buhay pamilya.

Samantala, nakaburol naman ni Cpl. Diamel sa isang punerarya sa lungsod ng Zamboanga ang kasama nitong nasawi na si PFC Mark Barat na taga bayan ng Carmen sa North Cotabato.

Iniaayos naman ang pagdalaw ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner sa burol ng dalawang nasawi bago ito iuwi sa kani- kanilang lugar para masilayan ng kanilang mga kamaganak at mahal sa buhay.