Nakatanggap ng 8 na yunit ng bagong motorsiklo ang pwersa ng Cotabato City Police Office kahapon, lunes.
Sa naging turnover ceremony ng nasabing mga motor, nanguna si CCPO City Director PCOL Jibin Bongcayao sa pamumudmod nito sa mga miyembro ng Mobile Patrol Unit o MPU maging ang Traffic Enforcement Unit o TEU.
Ang nasabing mobile assets na handog ng PRO-BAR ay makakagaan sa trabaho at pagpapatrolya ng kapulisan sa oras ng emerhensiya at pangangailangan at upang matugunan din ang pagpapatuloy ng kaayusan at kapayapaan sa lungsod.
Nagpaalala naman si PCOL Bongcayao sa mga nabanggit na units na ingatang mabuti ang naibigay sa kanilang motorsiklo upang magamit ng matagal at hindi masira.