Nasakote ng pinagsanib na puwersa ng mga anti-drug operatives ang isang high-value target (HVT) na personalidad sa ilegal na droga sa isinagawang late-night buy-bust operation noong Mayo 11, 2026, sa Purok Twin River West, Barangay Sto. Niño, Koronadal City.

Kinilala ng mga awtoridad ang suspek sa alyas na “Jun-Jun,” 39-anyos, binata at walang trabaho, residente ng Purok Imperial, Barangay GPS, Koronadal City, South Cotabato. Nakalista umano ito bilang isang high-value target sa ilegal na droga sa lungsod.

Pinangunahan ang operasyon ng PDEA RO12 South Cotabato Provincial Office katuwang ang PDEA RO12 Regional Special Enforcement Team at South Cotabato Police Drug Enforcement Unit.

Nasamsam mula sa suspek ang tinatayang 16.5 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na umaabot sa P112,200. Narekober din ng mga operatiba ang marked money na nagkakahalaga ng P1,000, isang Android phone, improvised glass tooter, gunting, disposable lighter, at isang itim na pouch.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sections 5, 11, at 12 ng Article II ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ill