Niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ang karagatang bahagi ng Davao Occidental nitong Sabado ng hapon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Sa inilabas na Earthquake Information No. 1, naitala ang pagyanig alas-4:53 ng hapon, ngayong Hulyo 4, 2026. Natukoy ang sentro nito sa layong 60 kilometro timog-kanluran ng Balut Island sa bayan ng Sarangani, Davao Occidental, at may lalim na 10 kilometro.
Naitala naman ang Instrumental Intensity I sa Kiamba, Sarangani.
Ayon sa PHIVOLCS, isa lamang itong aftershock ng magnitude 7.8 na lindol sa offshore Sarangani at magnitude 6.5 na lindol sa offshore Davao Occidental na naitala noong Hunyo 2026.
















