Isang German national ang naaresto sa loob ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 matapos makumpiskahan ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng ₱55.3 milyon.

Ayon sa ulat, itinago ng suspek ang ilegal na droga sa loob ng isang Bibliya, bilang bahagi umano ng kanyang modus operandi. Kasalukuyan nang iniimbestigahan ang kaso at ang nasabing droga ay nasa kustodiya ng Bureau of Customs – NAIA para sa tamang dokumentasyon at legal na proseso.