Sana all, formality na lang ang eleksyon!
Yan ang nababanggit ng mga taga Sulop Davao del Sur matapos na walang magtangkang lumaban o nagfile ng kanilang kandidatura sa nasabing bayan sa mga posisyon ng alkalde, bise alkalde at konsehal na syang una sa kasaysayan ng halalan sa nasabing bayan.
Tila oath taking na lamang bilang pormalidad ang hinihintay ng grupo ni Mayor Jimmy Sagarino at ng katambal nitong bise na si Vice Mayor Willie Villegas at mga konsehales nito matapos na maging unopposed ang kanilang grupo matapos ang ilang linggong aktibidad ng filing ng COC with CONA sa COMELEC.
Tatakbo ang grupo sa halalan sa susunod na taon sa ilalim ng NP o Nacionalista Party. May mga naiulat na ding lugar na may unopposed o walang kalaban ang isang kandidato sa isang partikular na pwesto ayon sa COMELEC.