Tigok sa pagkakabangga ng kanyang minamanehong sasakyan sa isang punong kahoy ang biktima na nakilalang si Eduardo Trinidad Jr. y Hachuela sa gilid ng highway ng Barangay Glamang sa bayan ng Polomolok, South Cotabato kahapon.

Wasak sa naging pagbangga ang harapang bahagi ng minamanehong Mirage ni Trinidad na may plakang MBD 2210 na bumangga sa isang puno ng santol sa lugar.

Kilala bilang magaling na manlalaro ng basketball sa lalawigan at sa lungsod ng General Santos ang nasawi na si Trinidad.