Niyanig ang ilang bahagi ng Sultan Kudarat at iba pang bahagi ng Mindanao kaninang umaga, Enero 28, 2026, matapos maramdaman ang lindol na may lakas na 5.1 magnitude, naitala bandang alas-9:41.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ang lindol ay may lalim na 10 kilometro o humigit-kumulang 37 kilometro timog kanluran ng Kalamansig, Sultan Kudarat.

Batay sa instrumental records, nakaranas ng Intensity IV ang bayan ng Lebak, habang Intensity III naman ang naitala sa Palimbang.

Walang ulat ng pinsala o nasaktan sa kasalukuyan, subalit patuloy na mino-monitor ng lokal na pamahalaan at PHIVOLCS ang sitwasyon para sa agarang aksyon sakaling lumala ang epekto ng lindol.