Inutos ngayon ng alkalde ng Zamboanga City ang agarang pagkakaaresto ng mga responsible sa pagbaril patay sa isang mag-asawa sa Brgy. Boalan, Zamboanga City.

Kinilala ang mga biktima na sina Fathie Bara Loong at asawa nitong nakilalang si Bai Rivalia.

Base sa report ng pulisya, biglang na lamang umanong nilapitan ng gunman ang biktimang si Loong at binaril na noon ay kasalukuyang iniinspection ang konstruksyon ng kanilang tindahan sa nabanggit ng lugar.

Sunod naman umanong binaril ang asawa nito na nakaupo sa loob ng kanilang van katabi ang kanyang 4 na taon anak na babae.

Samantala, ligtas naman umano ang anak ng mga biktima.Kaugnay nito, agad na inutos ni Mayor John Dalipe ang paghigpit ng seguridad sa lugar kasunod na rin ng umiiral na gun ban dahil sa nalalapit na midterm elections.

Ayon dito, walang lugar sa kanilang syudad ang kaparehong karahasan kung saan patuloy nga nitong isinusulong ang kapayapaan ay culturally diverse na komunidad.