Isang Magnitude 5.3 na lindol ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) bandang 9:38 ng umaga ngayong Martes, Hulyo 14.

Ayon sa PHIVOLCS, naitala ang sentro ng lindol sa 94 kilometro timog-silangan ng Balut Island, bayan ng Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 10 kilometro.

Naramdaman ang Instrumental Intensity I sa General Santos City, Malungon, Sarangani, at Tupi, South Cotabato.

Ayon pa sa PHIVOLCS, ang naturang pagyanig ay isang aftershock ng Magnitude 7.8 na lindol sa karagatang sakop ng Sarangani at Magnitude 6.5 na lindol sa karagatang sakop ng Davao Occidental na naitala noong Hunyo 2026.

Sa kasalukuyan, wala pang naitatalang pinsala o nasawi kaugnay ng naturang lindol. Patuloy namang pinapayuhan ng PHIVOLCS ang publiko na manatiling kalmado at maging handa sa mga posibleng kasunod na aftershocks.