Patay ang isang ama habang sugatan naman ang ilaw ng tahanan matapos pagtatagain ng sariling nilang anak sa Lungsod ng Davao.

Ayon sa ulat ng pulisya, nagsisibak lang umano ng kahoy ang ama ng suspek ng tagain nito sa may balikat at batok 71 anyos nitong ama na agad naman ikinasawi nito.

Habang ang ina ay ginagamot na ang mga tinamong sugat matapos rin itong atakihin nganak

Ayon kay Davao City Police Office spokesperson PCapt. Hazel Caballero Tuazon, ikinagalit ng 33 anyos na suspek ng payuhan ng mga magulang nito na maghanap siya trabaho dahilan upang maudyok ito na paslangin ang kanyang mga magulang.

Napag-alamang dati na ring may alitan ang suspek sa kanyang mga magulang dahil sa minsan na itong isinumbong sa barangay dahil sa pananakit.