Isinagawa ang aktibidad sa Virgo 8 Tech Waste Management Services, OPC na matatagpuan sa Barangay Manicahan, kung saan winasak ang kabuuang 5,069 master cases, 2,620 reams, at 32 packs ng sigarilyo. Tinatayang umaabot sa ₱266,067,363.00 ang kabuuang halaga ng mga ito.
Ang mga naturang kontrabando ay naunang nakumpiska sa pamamagitan ng serye ng enforcement operations na pinangunahan ng Port of Zamboanga katuwang ang iba pang ahensya ng pamahalaan. Ang pagsira sa mga ito ay isinagawa alinsunod sa umiiral na batas, alituntunin, at regulasyon ng customs.
Ayon sa mga awtoridad, ang hakbang na ito ay patunay ng matibay na ugnayan at nagkakaisang layunin ng PNP PRO9 at mga katuwang na ahensya na sugpuin ang smuggling, protektahan ang lehitimong kalakalan, at tiyakin ang kapakanan ng publiko.

















