Sumagot na si Cotabato City Mayor Bruce Matabalao sa mga akusasyon na siya mismo ang namimilit sa mga Contract of Service Workers ng pamahalaang lungsod na pumirma ng waiver, buwan ng Oktubre noong nakaraang taon.

Sa naging Monday Convocation Program nito sa harap ng mga empleyado, itinanggi ng nasabing alkalde ang paratang sabay sabi nito na kung ang pamimilit man ay galing sa kanyang mga department heads o kanyang mga tauhan, kasama sya nito na magbibitiw sa tungkulin.

Gayunpaman, di umano pababayaan ni Mayor Matabalao ang mga kasama nitong Department Heads na nakararanas diumano ng undue stress sa pangyayari.

Maninindigan diumano ang alkalde sa kanyang Department Heads na kanyang palagay ay walang ginagawa na hindi maganda o masama ang mga ito.