Iniulat ng mga awtoridad ang patuloy na pag-usad ng imbestigasyon kaugnay sa ambush na kinasasangkutan ng ilang personnel ng Maguindanao del Sur Police Provincial Office o MDSPPO.

Sa panayam, kinumpirma ni PCOL Michael John C. Mangahis na may “magandang development” na ang kaso, ngunit tumanggi muna itong magbigay ng karagdagang detalye habang nagpapatuloy ang follow-up operations at imbestigasyon.

Ayon kay Mangahis, patuloy ang pagtutok ng kanilang hanay upang matiyak na mabibigyan ng hustisya ang mga biktima ng insidente.

Aniya, “Hindi na muna ako magdi-divulge ng mga recent development. But I’m sure magkakaroon din ng justice yung mga kasamahan namin. At hindi po namin sila titigilan sapagkat sila po ay nagkasala sa batas.”

Patuloy namang pinaigting ng MDSPPO ang koordinasyon sa iba pang security forces sa rehiyon habang isinasagawa ang mga hakbang para sa posibleng pagkakakilanlan at paghuli sa mga suspek sa naturang ambush.