Anim na nakaw na motorsiklo ang nabawi at naibalik sa mga may-ari nito sa pamamagitan ng Moro Islamic Liberation Front.

Sa panayam kay Barangay Poblacion 9 Kapitan Jonas Mohammad, kahapon ay humingi ng tulong ang mga nanakawan ng motor at sinamahan nya ito sa presinto upang maitala sa blotter ang insidente.

Nakipagugnayan din ang kapitan sa mga kinauukulan kabilang na sa mga komander ng MILF sa Campo Darapanan na agad namang kinilusan ng MILF Police Provincial Force nito.

Sa pamamagitan ng mga CCTV footage, natunton ang lokasyon ng mismong tumangay na di na nito pinangalanan.

Dahil naman sa maayos na pakikipagugnayan ng MILF, napaamin nito ang suspek at nakuhanan ng impormasyon kung saan nito nailagak ang mga motor kung saan narekober nito sa ibat ibang lugar ang mga nasabing motor.

Nasa kustodiya na ng MILF Camp Darapanan ang mga motor pati na rin ang suspek.