Isang natatanging seremonya ng kasal ang isinagawa sa loob mismo ng Police Station 1 sa ilalim ng pamumuno ni PCPT Anuar M. Mambatao, Station Commander, kung saan isang Person Under Police Custody (PUPC) ang nagpakasal sa kaniyang kasintahan kahapon ng umaga, May 31, 2026.

Ayon kay PSSg Kusain, nakatalagang Jail Guard ng istasyon, naging posible ang pag-iisang-dibdib ng magkasintahan sa kabila ng kalagayan ng groom na kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya, matapos maaresto noong nakaraang linggo.

Batay sa ulat, orihinal na nakatakda sana ang kanilang kasal sa Magelco, DOS, ngunit natuloy pa rin ang seremonya sa loob ng presinto bilang pagtupad sa matagal nang plano ng dalawa.

Binigyang-diin ng Police Station 1 na ang pangyayari ay patunay na sa kabila ng mga hamon at pagkakamali sa buhay, nananatiling buhay ang pag-asa, pagbabago, at pag-ibig na kayang manaig sa anumang sitwasyon.