Magsasagawa ng Voters Education Assembly ang United Bangsamoro Justice Party (UBJP), ang lehitimo at nag-iisang partidong pulitikal ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), sa darating na Hunyo 7, 2026 sa Pedtad Elementary School sa Pedtad, Old Kaabakan, Special Geographic Area (SGA), Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Layunin ng naturang aktibidad na palawakin ang kaalaman ng mga miyembro, supporters, at sympathizers hinggil sa tamang pagboto, political awareness, at aktibong partisipasyon sa nalalapit na makasaysayang Bangsamoro parliamentary elections sa Setyembre.
Inaasahang pangungunahan ang nasabing assembly ni dating MBHTE Minister at kasalukuyang MILF Vice Chairman Mohagher Iqbal, kasama ang iba pang opisyal at mga nominado ng partido.
Ayon sa UBJP, mahalaga ang naturang pagtitipon upang higit na maipaliwanag sa mamamayang Bangsamoro ang kahalagahan ng demokratikong proseso at responsableng pagboto sa kauna-unahang Bangsamoro Parliament elections.

















