Nagkaroon ng palitan ng putok kahapon, Pebrero 12, sa Sitio Manggapang, Barangay Manungkaling, sa pagitan ng dalawang grupo mula sa 118th Base Command ng MILF.
Ang grupo ni Abdul Diya Muhammad, Deputy Commander ng Base Command, ay nakipagpalitan ng putok sa grupo ni Anwari Gayanandang, miyembro rin ng parehong yunit.
Ayon sa paunang ulat, isa lamang itong maikling power fight at walang naiulat na nasugatan o nasawi mula sa magkabilang panig.
Kinumpirma ni Lt. Col. Ronald E. Suscano, Spokesperson ng 6th Infantry “Kampilan” Division at Commanding Officer ng 6th Civil-Military Operations Battalion, na narespondehan agad ng kanilang units ang insidente at nagsagawa ng BCPDT patrol, kaya humupa ang tensyon.
Dagdag pa ni Suscano, ang mga units mula sa 33rd IB ang pinakamalapit sa Sitio Manggapang at patuloy na nagpapatrolya upang agad makaresponde sa anumang tensyon o alitan.
Handa at alerto ang mga awtoridad upang hindi maapektuhan ang kaligtasan ng mga residente.
Patuloy ang pagmamanman ng mga awtoridad upang maiwasan ang paglala ng sitwasyon at matiyak ang seguridad ng mga residente sa Sitio Manggapang at sa mga karatig-lugar.

















