Arestado ang apat na binatilyo matapos na silbihan ito ng kanilang mga arrest warrant sa Maguindanao Sur matapos na masampahan ito ng kaso sa korte sa salang tangkang pagpatay o Frustrated Murder.

Kinilala ng mga autoridad ang mga akusado na sina Jay-ar Oligario, 23, Keymark Pido, 19 at dalawang menor de edad na sina alyas Brian at Jeng. Ayon sa impormasyon, ang mga nabanggit na suspek ay residente sa bayan ng Datu Abdullah Sangki at sinampahan ng naturang kaso.

Inisyu ng korte na may hawak sa kaso ang mga arrest warrants nito noong Enero 23 lamang. Nakakulong na ang mga suspek sa presinto ng DAS habang hinihintay nito ang mga kaukulang papeles para sa bista o hearing.