Namatay ang isang Non-Uniformed Personnel (NUP) ng pambansang pulisya matapos mabangga at takbuhan ng isang hindi pa natutukoy na sasakyan sa bahagi ng National Highway sa Barangay Poblacion, Shariff Aguak, Maguindanao del Sur nitong Linggo ng gabi.
Kinilala ng tagapagsalita ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR), Lt. Col. Jopy Ventura, ang biktima bilang si Gineveve Piedros Arroyo, isang NUP na nakatalaga sa Datu Unsay PNP at residente ng Parang, Maguindanao del Norte.
Agad isinugod si Arroyo sa Integrated Provincial Health Office (IPHO) Maguindanao ngunit idineklarang dead on arrival.
Samantala, patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy at mahuli ang driver ng nakabanggang sasakyan na mabilis na tumakas matapos ang insidente.