Arestado ang dalawang tinuturing na High-Value Individuals (HVI) sa isang buy-bust operation sa Brgy. Villamor, Esperanza, Sultan Kudarat nitong Hunyo 9, 2026, kung saan mahigit 105 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang humigit-kumulang P715,000 ang nasamsam.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Troy,” 40-anyos mula Katangawan, General Santos City, at alyas “Tan-tan,” 30-anyos mula Conel, General Santos City.
Ayon sa Police Regional Office 12, isinagawa ang operasyon ng mga tauhan ng SKPDEU, SKPIU, Esperanza Municipal Police Station, 2nd SKPMFC, at 1202 MC RMFB 12, katuwang ang PDEA.
Agad na dinala ang mga suspek sa Esperanza Municipal Police Station para sa dokumentasyon at kaukulang proseso, habang ang nakumpiskang droga ay isasailalim sa laboratory examination.
Pinuri naman ng PRO 12 leadership ang matagumpay na operasyon at muling iginiit ang mas pinaigting na kampanya kontra ilegal na droga sa rehiyon.
Ayon kay PBGEN Alan B Manibog, patuloy ang kanilang operasyon upang mapanatili ang kapayapaan at panagutin ang lahat ng sangkot sa ilegal na droga.

















