Nakatanggap ng ₱110,000 na tulong pinansyal ang pamilya ng 11-anyos na atletang nasawi habang ginaganap ang BARMMAA Meet 2026 sa Parang, Maguindanao del Norte.
Ang nasabing halaga ay bahagi ng ₱160,000 na pinagsama-samang kontribusyon ng 15 miyembro ng Committee on Basic, Higher, and Technical Education (CBHTE) ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) Parliament.
Ayon kay CBHTE Vice Chair Susana Anayatin Susana Anayatin, vice chair ng komite, ang ₱110,000 ay direktang ibinigay sa pamilya upang makatulong sa gastusin sa burol at iba pang agarang pangangailangan. Samantala, ang natitirang ₱50,000 ay inilaan para sa food packs ng mga atletang kalahok sa palaro.
Hindi na isinapubliko ang pagkakakilanlan ng nasawing bata. Naiuwi na rin ang kanyang labi sa Lamitan City kung saan ginaganap ang burol.
Kabilang sa mga nag-ambag sa tulong pinansyal ang ilang miyembro ng BTA Parliament at isang opisyal mula sa Ministry of Science and Technology (MOST).

















