Maraming nagsasabing may sariling mundo ang kabataan ngunit sa Bayan ng Upi ay may isang kabataan na naglilingkod sa mahal nitong mga kababayan.
Ito ay si Datu Mash Sinsuat na konsehal sa bayan at tatakbo sa ilalim ng partidong UBJP sa UPI. Nagsumite na ito ng kanyang kandidatura kahapon kapiling ang mga mahal nito sa buhay at mga taga suporta sa opisina ng COMELEC UPI, Maguindanao del Norte.
Si Sinsuat ay kasalukuyang chairman ng kumite sa Transportasyon at Telekomunikasyon at nakapagpasa na ng maraming ordinansa sa bayan nito.
Ayon kay Sinsuat, itutulak nito ang mga programang kabataan at pagpapalawig pa ng pangkalahatang serbisyo para sa mga mamamayan ng Upi sa kanyang ikalawang termino.