Patay ang isang pintor matapos aksidenteng makuryente habang nagpipintura sa isang building sa Lower Pulacan, Labangan, Zamboanga del Sur kaninang umaga.

Kinilala ang biktima na si Kenneth Zulueta, residente ng lugar. Sa inisyal na impormasyon, umakyat umano ang biktima sa isang damba para mamintura ngunit sa kasawiang palad ay nasagi nito ang live wire ng ZAMZURECO dahilan ng kanyang pagkakakuryente.

Dahil sa insidente, mabilis na pinatay ang linya ng kuryente upang marescue ang biktima.