Kinilala ng 11th Infantry “Alakdan” Division at Joint Task Force Orion ang kabayanihan ni Staff Sergeant Windel C. Sabuyas Jr. sa pamamagitan ng posthumous na Bronze Cross Medal noong Pebrero 15, 2026.
Sa seremonya, personal na ipinagkaloob ni Maj. Gen. Leonardo I. Peña, Commander ng Alakdan Division at Joint Task Force Orion, ang posthumous Bronze Cross Medal kay Mrs. Jenelyn C. Sabuyas, biyuda ni SSg. Sabuyas, kasama ang Philippine Flag bilang pag-alala sa kanyang yumaong asawa. Binibigyang pagkilala ang kanyang aksyon noong trahedya ng MV Trisha Kerstin 3, kung saan inilagay niya ang sariling buhay sa panganib upang iligtas ang iba.
Kasulukuyan, nasa Camp Arturo T. Enrile sa Zamboanga City ang labi ni SSg. Sabuyas para sa vigil honors, na nagbibigay pagkakataon sa pamilya, kasamahan, at publiko na magbigay ng respeto. Mula rito, ihahatid ang kanyang labi sa Lasam, Cagayan, kung saan isasagawa ang full funeral honors bilang pagkilala sa kanyang serbisyo at kabayanihan.

















