Matagumpay na nakumpiska ng magkasanib pwersa ng Pandami Municipal Police at Provincial Intelligence Unit ng Sulu Provincial Police Office ang 12 na kahon ng abandonadong smuggled na mga sigarilyo sa pampang ng Barangay Siganggang, Pandami Sulu.

Sa pamamagitan ng mga intelligence reports ng kapulisan, nadiskubre nila ang 12 na kahon ng Canon Cigarettes na may estimadong halaga na P37,000 kada kahon at may kabuuang P444,000 ang halaga.

Ikinubli ng mga magpupuslit sana ang kontrabando sa trapal na nakalagay sa ilalim ng puno.

Sa ngayon, inaalam ng Pandami PNP ang pagkakakilanlan ng mga nagabandona sa nasabing epektos habang inimbentaryo ang mga kumpiskadong sigarilyo sa harap ng mga opisyales ng barangay saka dinala sa Pandami MPS para sa kaukulang disposisyon.