Patuloy na binabantayan ng mga awtoridad ang Super Typhoon Bavi na namataan sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) alas-3 ng madaling araw ngayong araw.

Batay sa tala, huling namataan ang bagyo sa layong 2,700 kilometro silangan ng Eastern Visayas taglay ang lakas ng hanging aabot sa 195 kilometero kada oras malapit sa gitna at pagbugsong hanggang 240 kilometero kada oras. Kumikilos ito pakanluran sa bilis na 15 kilometero kada oras.

Samantala, nakararanas naman ng localized thunderstorms sa buong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Dahil dito, inaasahan ang maulap hanggang sa maulang kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog, at pagkidlat sa rehiyon.

Nagbabala rin ang mga awtoridad sa posibleng biglaang pagbaha at pagguho ng lupa bunsod ng malalakas na pag-ulan at thunderstorms.