Mariing kinundena ng lokal na pamahalaan ng Datu Odin Sinsuat ang tangkang pananambang kay Kapitana Mae Kris Sinsuat kahapon sa nasabing bayan.
Sa opisyal na pahayag ng LGU-DOS, kinumpirma nilang ligtas at wala sa panganib ang kapitana matapos ang insidente.
Nanawagan naman ang pamahalaang lokal sa pulisya at mga security forces na agarang papanagutin at mahuli ang mga nasa likod ng krimen.
Hinikayat din nila ang mamamayan na makipagtulungan sa mga awtoridad upang mapanatili ang kapayapaan at masupil ang mga ilegal na aktibidad sa bayan.